Pinaiimbestigahan ni Labor Secretary Silvestro Bello III ang 2 labor attache's sa Saudi Arabia upang panagutin sa libo-libong OFW's sa Middle East. Sinisisi nya ang 2 labor attache na sina Rustico dela Fuente sa Riyadh at Jainal Rasul sa Jeddah kung bakit pinabayaang mangyari sa libo-libong manggagawang Filipino na naistranded sa Saudi na maging sunod-sunuran o ang magtrabaho ng walang sinusweldo sa isang kompanya. Nangyari ito dahil sa kulang na mga dokumento at walangpera upang makauwi.
Nangako si Sec. Bello na makakauwi ang isang libong stranded na mga OFW's bago mag ika-8 ng Septyembre at dalawang libo o higit pa bago naman magtapos ang nasabing buwan.
Sinabi ni Sec. Bello na sasalubungin ni Pres. Duterte at ng kanyang gabinete ang mga uuwing OFW's sa Ninoy International Airport. Nagpapasalamat din sya sa Hari ng Saudi Arabia sa pagtulong upang makauwi na ang mga OFW's sa Pilipinas. Ayon din sa kanya, gusto na ni Pres. Duterte na makauwi na ang lahat ng stranded OFW's.
EmoticonEmoticon